Hindi ko alam(tula)

Hindi ko alam kung ano ang mas masakit,

Una,

Yung isipin na may ginagawa siya kasama ang iba, 

Yung mga bagay na hindi mo kayang gawin,

Pero kitang kita mo kung gaano siya kasaya, 

O pangalawa,

Yung isipin na may kasama siya,

Ginagawa ang mga bagay na kaya mo namang gawin?

Hindi mo alam kung saan ka lulugar,

 

“Sana ako nalang”,

Pareho naman tayo ng pinagkakatuwaan,

Parehong nagawa ng napakasarap na panghimagas,

Parehong bokalista ng banda,

Mahilig tayo kumanta,

Ako, kung anong bagay sa timbre ko at kung anong magandang genre,

Ikaw, mas gusto mo yung mga tipong alternative music, 

 

Pwede bang ako nalang?

Oo nga pala,

Siya parin,

Wala na nga kayong koneksyon,

Pero siya pa rin ang laman ng puso’t isip mo,

Sa status mo, sa posts,

May picture ka pa nga ng babae na may nakalagay na ‘mahal kita’,

Mahal kita,

Oo, mahal na nga ata kita,

 

Ang pagmamahal,

Kahit naman yan gusto lang,

Kung pipiliin,

Maaaring maging pagmamahal,

Ang pagmamahal ay pinipili,

Pinipiling protektahan, alagaan, panindigan,

Ginawa mo nga ata lahat ng yan para sa kanya,

Ako kaya kailan?

Wag mo sanang masamain ang paghingi ko ng panahon,

Nakakapagod na humingi ng pagtingin, mahal,

Malapit na kong lumuhod at magmakaawa,

 

‘Mali yan’,

Yan ang sabi ng mga kaibigan ko,

Di daw dapat ako nanglilimos,

Ni minsan hindi ko iisipin na aabot ako dito,

Sa ganito,

 

Pag may nakikita akong nanglilimos sa kalsada,

Awang awa ako,

Hindi naman kasi nila dapat ginagawa yun,

Masyadong mababa para sa kanila,

May iba pa namang paraan,

Tama naman,

Kaya lang ako din pala manglilimos,

Hindi nga lang pera,

Pero sa pagtingin at pagmamahal,

 

Ang daming masasakit na salita ang nilunok ko at kinain,

Para lang maimulat ang sarili sa lahat,

Na tama na,

Sa kanya ka naman masaya diba,

Pagbubitihan ko nalang ang aking sarili habang wala ka,

Malay mo dumating ang panahon na tama na ang lahat,

Tamang pakakataon,

Tamang tao,

Kaya lang, sana, pagdumating na iyon,

Hindi na ikaw ang mahal ko,

Sana,

Hindi ikaw ang taong para sa akin,

Paalam, mahal,

Panahon na.


A work for spoken poetry.
Don’t publish, copy, modify the contents of this work.

Seek for permission if using. Thank you!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s