Pagkalubog (tula)

Noong unang araw na nagtagpo ang mga mata natin, 
Unang araw na binigkas ang bawat letra sa pangngalan natin upang 
magkakilala,
Hindi mo nakuha ang atensyon ko, 
Hindi, 
Ito lang ay binabewala,
Una palang, 
Binalewala na kita, 

Siya, siya ang gusto ko, 
Magaling sumayaw, matangkad, may magandang postura, bilugan ang mga mata,May mga labing pulang-pula, 
Siya!, ang atensyon ko'y sa kanya napunta, 
Sino ba siya?, 
Sa ilang araw na tayo-tayo ay magkasama, 
Walang ginawa ang aking mga mata kundi patagong sumulyap sa kanya, 
Noong siya'y di kasama, katabi sa upuan, hinahanap-hanap ko siya, 
Ikaw? 
Binalewala kita, 

Di ko naman alam na hahantong sa ganito, 
Mali pala ang pinasok ko sa kokote ko, 
Di ko naman alam na mahuhulog din ako sayo, 
Bawat paguusap walang ilangan, 
Alam mo yung pagkasama kita lumalabas ang natural? 
Hindi man nasasabi ang lahat, 
Syempre 'di naman maiiwasan yun, 
Ilang araw lang tayo magkakilala, 
Parang ang sarap sa piling mo, 
Hindi ko alam kung ano ito, 
Basta't ang alam ko, 
Ikaw ang laman ng utak ko sa paggising, 
Pagtulog, pagkain, pagsalita, 
Bukambibig kita, 

Kaya lang sa onting paguusap natin, 
Laging dumadating sa puntong may haharang, 
Yung mga maliliit na bagay na personal, 
Napagalaman kong hindi maganda ang naging karanasan mo sa pagibig, 
Nito lang, 
Nawasak ang puso mo, 
Sa hilig mong mangasar, 
Mahilig ka rin pala sa mga damdaming patago, 

Yung mga inilalagay mo sa social media, 
Alam kong tungkol sa kanya yun, 
Di man tayo ganoon magkakilala, 
Alam kong siya pa rin, 
Wala naman akong sabat dun, 

Alam mo ba na maraming beses na nakkwento kita?, 
Oo nga pala nasabi ko na, 
Ewan ko ba, 
Para na naman akong tanga, 
Alam mo rin bang lagi ko tinitignan ang mga accounts mo?, 
Wala lang, 
Baka kasi may bago, 
Alam mo bang kinikilig ako sa bawat banat mo?, 
Pinagdadasal ko nalang na hindi mo sinasadyang maging paasa, 
Pag nalaman ko lang, nako, 
Gugutukan kita, 
Bawat asar nila sa ating dalawa, 
Di ko alam kung ikatutuwa ko ba, 
Pero sige aaminin ko, 
May iba akong naramdamang para sa akin ay di maganda, 
Bumabalik na naman ang pakiramdam na hinahanda ka ng sarili mo sa 
panibagong pagbagsak, 
Alam mo rin bang panay ang selos ko?, 
Pag di mo ko pinapansin, 
Mga text, chat ko sayo, 
Tapos kung anong sinasabi mo, 
May makikita akong taliwas dun, 
Para kong tanga, 
Nagseselos ako sa isang taong alam kong may lugar sa puso mo, 
Isang taong alam kong malalim ang pagtingin mo, 
Ibabalik ko sakin ngayon ang tanong, 
Sino ba ko? 
Di ko rin ba nakuha ang atensyon mo? 

Bago ka, 
May mga masasabi rin naman ako sa aking storya, 
Sa larangan ng pagibig, 
Di ko lang alam kung ito'y masyadong mababaw o ano, 
Basta ang alam ko, 
Naghintay ng anim na taon, umasa, masaktan, oo, nasaktan na ang bata kong puso, 
Nakakatakot lang kasi baka yung para sayo ay mas malalim pa sa iniisip 
ko, 
Ang sinasabi ko, 
Kakayanin ko, 
Kakayanin ko pa, 
Kakayanin ko pa ito, 
Pero yung sakit?, 
Hindi ko alam, 
Mahirap umasa, 
Wag ka magalala, 
Di naman kita sinisisi, 
Ako mismo ang gumawa ng sala, 
Nakalimutan ko, 
Bawal nga palang umibig sayo, 
Nakalimutan ko, pasenysa, 
Pero lubog na ako dito.

Don't publish, copy, modify the contents of this work. 
All rights reserved.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s