Kataga: Nanalo Siya

KATAGA is a collection of poems. Ito ay nagpapatungkol sa mga salita o ‘kataga’ na binibitawan ng mga tao, maaring sa pang karaniwang araw o sa mga makabuluhang pangyayari. Subaybayan ang istorya sa likod ng iba’t ibang salita para kay Tulala.


“Nanalo siya”,

Yan ang sabi nila nang makita ka,

Naglalaro sa isipan ko ang aking hinanakit,

Simula pa lamang nang magumpisa hanggang sa kung ano ang ngayon,

“Panalo siya”,

Sa aming dalawa,

Sadyang ako talaga ang nakatakdang sumuko, lumayo, at magparaya,

Magparaya para lang na siya’y lumigaya,

Nakatatak naman na sakin na saki’y di niya ikasasaya,

Kung ituring nga ako’y isang tuyong dahon na lumuwag ang kapit sa sanga,

Isang dahong nililipad nalang sa hangin at binabalewala,

Magparaya kasi hindi naman nangyari talaga,

Wala naman talaga,

At kahit na kailan ay di na mangyayari pa,

Alam ko naman ang puno, tayo at estado ngayon,

At hindi ito malabo sa aking mga mata,

Napakalinaw sa bawat pahina ng istorya,

Kitang kita sa nakaipit na talulot na pigang-piga,

Napakalinaw ng nabubuong pigura,

Gusto kong burahin at wasakin para lang mawala,

Ang pagkalumo ko kasabay ng panahon,

Sa gitna nang paglitaw ng araw at paglubog ng buwan,

Kasabay ng bawat ihip ng hangin,

Hangin ng pagmamahal,

Pagmamahal na minsan ko na ring inasam,

Malinaw na ang pag-iisa ng mga puso natin ay hindi itinakda,

Pawang kathang-isip lamang,

Panalo siya,

Siya, kung sinong unang natamaan ng unahan ng pana.


A work for spoken poetry.
Don’t publish, copy, modify the contents of this work.

Seek for permission if using. Thank you!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s