Marso (tula)

Alam mo yung pakiramdam na dinala ka sa kaitaas-taasan,

Pinadama sayo lahat ng maganda sa mundo?

Pinatikim ka ng kaligayahan at kalayaan,

Na kay tagal na simula noong huli mong nahawakan,

Yung makarinig ng matatamis at nakakabighaning mga salita,

Yun bang kapag pumasok sa tenga mo parang nagiinit ka tapos diretso na ito sa puso mo,

Pero may kulang.
Sa lahat ng binaong pinagsamahan,

Sa kabila ng mga tawa at memorya,

Sa kabila ng pagbitaw ng mga pangako,

Mga salitang “Hindi kita iiwan”,

“Sana…” nasayang dahil hindi nabigyang hustisya,

Matapos ang lahat,

Pinatunayan mong dapat hindi ka madala sa mga gawa, lalo na sa mga salita,

Iba ang paraan ng pagbuka ng bibig at pagsasalita, sa pagbuka ng puso at paglabas ng nararamdaman.

 

Pero gusto ko pa ring malaman mo na minahal talaga kita ng sobra,

Gusto ko pang ipagpatuloy pero mahirap ang magisa,

Hindi ako lalaban nang hindi ako kasama sa gera,

Hindi ako na lalaban dahil alam ko naman kung ano at sino ang susunod sa pila,

Hindi ako lalaban dahil alam ko kung sinong mas higit pa sa isa.

Makapangyarihan talaga pag pinagsama ang salita sa gawa,

Dalawang bagay na dapat ay pantay at sabay,

Dalawang bagay na dapat kung hindi ka isang gustong magsayang sa buhay,

Maliliit na kilos ay hindi dapat binabalewala,

May mga tagong ngiti at pagpatak ng luha na dapat ay tinatansya,

Pagbigay ng kasiguraduhan at pagpapahalaga ang hiling simula palang sa una,

Mag ingat ka sa tinataas mo at binibitawan, wala kasi talaga dapat na mapupuruhan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s